Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Saturday, May 16, 2009
Sa Pananaw Ni Ineng
Kanina ay nakikinig kami ng mga lumang kanta ni Vilma Santos. Yung Sixteen, Da doo ron ron at iba pa. Sarap pakinggan ng bass lines at yung mga himig, ang sarap sa tainga. Maiba naman sa sangkatutak na Metallica at Pearl Jam. At nakatutuwang pakinggan ang pagbigkas ni Vilma sa mga salita ay maliwanag. Walang arte at regional accent, academic english ang sabi namin. At itoý isang papuri sa pagbigkas ng Ingles na walang arte!
Ngayon, anong kinalaman ni Ineng? Nagustuhan din nya kasi ang mga kanta. Tinanong namin sya kung kilala nya kung sino ang kumakanta:
Inay: Kilala mo kung sinong kumakanta?
Ineng: Hindi po.
Itay: Sýa ang governor natin. Governor ng Batangas.
Ineng: Si Gov. Vilma po?
Inay at Itay: Oo Ineng.Makalipas ang ilang ulit na pakikinig, biglang naitanong ni Ineng:Ineng: Paano po sya naging Governor?
Hindi na kami nakasagot ni Inay. Hanggang ngayon ay nag-iisip pa ako ng isasagot na maiintindihan ng bata. Na hindi ko hahaluan ng pananaw sa puilitika ng isang nakatatanda. Paano nga ba? Tulong naman dyan!
* Ang larawan sa itaas ay kinuha ko sa Nostalgia Manila (http://nostalgiamanila.blogspot.com/2007/11/ultimate-vilma-santos-scrapbook.html)
Labels: Ineng
|| nilaga ni qroon, 10:22 PM