Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Wednesday, May 13, 2009

Ang Bente Pesos


Nabasa ng misis ko yung Try the P20 refrigerator test sa Inquirer.net. Tinanong ko sya kung bakit bente pesos ang gagagamitin. Dahil yun daw ang kalimitang matatagpuan sa mga bahay. Ano nga ba ang gusto kong patunayan?

Napagtanto ko na 20 pesos na nga ang pinakamaliit na pisong papel sa sirkulasyon. Bihira na kasi ang lima at sampung piso. At kapag may 20 piso ka ay ano nga bang mabibili mo? Kung nasa may Makati ka, maari ka ng mag-almusal sa mga "jollijeep", Isang kanin at binateng itlog na may pira-pirasong hotdog. Makiinom ka na lang ng tubig.

Maari din namang 10 pisong pan de sal, kapeng 3-in-1 at maliit na itlog, yan ay kung may oras ka pang magluto. Kung nagyoyosi ka naman, 3 marlboro lights at pamasahe balikan. Sa mga bata, hindi na maaring pabaon ang 20 piso. Magkano na ang pamasahe ng mga estudyante? Anim na piso, eh paano kung balikan? Sa walong piso ba eh may makakain ang mga bata?

Naalala ko tuloy noong nasa elementarya pa ako (oo gitna ng dekada otsenta). Ang 20 piso ay baon ko na sa loob ng isang linggo! May naiipon pang pambili ng teks at lastiko! At masaya na ako pag mayroon akong dalawam-pisong papel sa bulsa.

Labels: , , ,

|| nilaga ni qroon, 9:22 PM

0 Ang nakihigop:

Makihigop na!