Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Friday, July 31, 2009

Araw Ng Mga System Administrator


SysAdminDay

Labels:

|| nilaga ni qroon, 7:24 PM || link || (0) ang nakihigop |

Monday, July 27, 2009

Mga Akala

Ilang beses ko na ring napapanuod ang patalastas ni Manny Villar na Akala Mo. Hindi ang kanyang plataporma ang paksa nitong tala ko. Kundi ang pag-gamit ng patalastas ng salitang Conyo/Coño. Hindi kaya nagsaliksik man lang tungkol sa salitang Conyo/Coño ang mga gumawa ng patalastas? Ang salitang ito ay español na kalimitan ay sa pagmumura ginagamit. Ang literal na ibig sabihin ay ang maselang bahagi ng katawan ng mga kababaihan.

Sa ibang dako naman. Napaguusapan na rin lang ang mga salita sa telebisyon at radyo, ay parang wala ng censorship ngayon. Narinig ko sa radyo na may ilang kumentarista na gumagamit ng salitang 'pucha'. Wala naman akong reklamo, nagtataka lang. Ganoon din ang 'bull shit', ginamit ito sa isang soap opera. Ang pagkakaalam ko ay kapag recorded ang isang programa, ay maaring baguhin o putulin ang naturang salita pago ipalabas.

Labels: , , ,

|| nilaga ni qroon, 12:28 AM || link || (3) ang nakihigop |

Saturday, July 18, 2009

Paano?

Oo, paano nakabili ng kotse o ng bahay at lupa yung mga nasa patalastas ng Avon?

May isa kaming kumare na nagbebenta ng mga produkto ng Avon. Bumili si misis ng nagkakahalaga ng Php 1,300.00. Ang tubo ng kumare namin? Php 55.00! Wow! Kayo na ang magkwenta. Kung ang isang kotse ay nagkakahala ng Php 550,000.00, magkano ang kailangang maibenta para makabili ng kotse?

Labels:

|| nilaga ni qroon, 11:11 PM || link || (1) ang nakihigop |

Thursday, July 09, 2009

Anong Bago Sa Kapihan?

Sa larangan ng teknolohiya at musika, masaya akong ibalita na nagagamit ko sa Fedora Linux ang aking Zoom B2.1u bass effects (pakitingnan na lang ang detalye sa QrooniX). Hindi muna ako tumutugtog ngayon sa bars sa Manila dahil sa takot sa Influenza A(H1N1). Paumanhin sa aking mga kabanda (BlissBuds). May ilan naman akong naisulat na kanta na magagamit natin sa mga susunod na buwan.

* * * * *

Sa mga pelikula naman, nakapanood kami ni misis ng Transformers: Revenge of the Fallen. Gumising kami ng maaga (a las diez pa lang umaga ay nasa SM na) para maunang makapanood noong unang araw ng palabas at para na rin kakaunti pa ang naunood (takot pa rin sa H1N1!). Nakailang Bumblebee na rin kaming nabili ni misis. Habang nagbabasa naman kami ngayon ng mga review ng mga pelikulang nasa-DVD na. Baka may maimumungkahi kayo dyan.

* * * * *

Simula ng pagbabalik ng mga estudyante sa mga paaralan ay may may isang issue na gusto kong punahin; Ang pagbibigay ng instant noodles sa mga mag-aaral! Bakit hindi ibalik yung pamamahagi ng bulgur? Ibalik na rin ang nutribun!

Labels: , , , ,

|| nilaga ni qroon, 12:27 AM || link || (3) ang nakihigop |