Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Sunday, March 02, 2008

Text (Teks)

Kung bata ka na noong dekada 80 ay siguradong naglaro ka teks. Nakatutuwa na may naglalaro pa rin pala ngayon nito. Hindi na nga lang pelikulang Pilipino na iba ang kwento kaysa palabas ang nilalaman. Kaya noong makita kong naglalaro ang mga pinsan ko ay nakisali ako. Hindi sila nanalo, marunong pa pala ako (ng mandaya), bwahahahahahaha!

Naruto Teks

Bilang muna ng pinanalunan (isa, dalawa, tatlo, cha!)

Itsa muna!

Labels: , ,

|| nilaga ni qroon, 6:16 PM

2 Ang nakihigop:

Buti ka pa. Bano ako sa teks eh. Pati sa jackstone, kasi mahina ang hand-eye coordination ko (at laos lang talaga ako).

May koleksyon pa ko ng holen hanggang ngayon :)

Boy Hindi
Blogger Krys, at 10:09 PM  
ganda ng post na to so far yunik talaga..dati isa akong astigin sa larong eto..naalala ko pa noong kabataan ko sa Pasay sa may shopping mall(nasunog ngaun lol) dati akong nag aaral sa cuneta..pababa ako ng elibeytor at ang aking ina'y galit2 na galit may dalang pamalo syempre dahil adik sa teks d ko na pinambibili ng pagkain yung baon ko e kasi tex ng teks...amp

yung maliliit pa na teks chaka yung dragon ball Z pa uso nun...then sinundan ng kabastusan ng pinoy..lol (langhiya pati teks pinatulan)
Anonymous Anonymous, at 12:27 AM  

Makihigop na!