Nabasa ko ang liham na ito para sa aking tiyo:
Dear Parents: As I believe that learning is not confirmed within the four walls of the classroom, part of the requirements of ENG 223 – Speech and Oral Communication course (Pre-finals Grading Period), is a Guided Studio Tour to ABS CBN Studio, Mother Ignacia Street, Quezon City. Students taking English as field of specialization are also part of this activity. This will be held on 19 January 2008, Saturday.
Hhhhmmm... Ok, pwede na rin. Pero ng mabasa ko na ito:
Objectives of the activity are: to expose the students to the beauty and benefits of being a good communicator by immersing them in real world and real life; to learn the concepts of broadcast media by being keen observers and through the lectures to be provided by the tour guides; to witness and learn how a live program (Wowowee) is conducted; to give the tour participants the chance of meeting and seeing in person some famous personalities from the company’s news and current affairs department and entertainment industry; and to be responsible young adults by conducting themselves properly and wisely during the trip.
Ano daw? Noon-time show, educational? Hindi naman sa minamata o minamaliit ko ang mga ganitong uri ng palabas, ngunit ito ay pang-aliw at hindi pang-edukasyon sa aking pananaw. Mga palabas na nagbibigay ng maling pag-asa, pang-edukasyon? Tigilan nyo ako! Pagkakataon na makita ng personal ang mga siikat na tagabasa ng balita at artista, pang-edukasyon? Haayyy...
Labels: Edukasyon, TV
|| nilaga ni qroon, 10:43 PM
|| link
|| (64) ang nakihigop |
Matagal ko na ring nailagay ang Google Ad dito sa Kapihan. Napansin ko na dati na hindi pa gaanong napa-plantsa ang mga lumalabas na patalastas :). Dahil siguro maraming beses na nabanggit sa talaarawang ito ang salitang 'hindi' ay makikita mo sa ads ang 'Hindi Songs'. Ngunit medyo nagulat ako sa nakita kong Google Ad dito.
Filipino Nurse at Philippine OFW. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Bumibili ba ng Ads sa Google ang mga recruiter? Marahil nga ay palasak na rin sa Internet at buong mundo na maraming nurse na Pinoy. Wika nga ng isang kolumnista sa isang pahayagan. Ang mga OFW/Nurse ang malaking naitutulong upang umangat ang halaga ng piso. At ito rin ang dahilan kung bakit nagkukulang ang mga mahuhusay na manggagawa dito sa Pilipinas.
Ang pagha-hanap buhay sa ibang bansa ang nagbibigay ng pag-asa sa karamihan ng Pinoy. At ito rin ang dahilan kung bakit maraming Kolehiyo ang nananamantala sa mga magulang at mag-aaral. Ang pangako ng pangingibang bansa, kahit bumaba ang kalidad ng edukasyon.
Mayroon ba akong sinisisi? Marahil ay mayroon, marahil ay wala. Wala lang siguro akong maisulat. :) Pakinggan (salamat sa editing Inay!) nyo na lang ang ilang awit ng Datu's Tribe sa IAC Music.
Labels: Edukasyon, Filipino, Google Ads, Internet
|| nilaga ni qroon, 12:16 AM
|| link
|| (1) ang nakihigop |
Noong nakaraang bakasyon ay sinimulan ko ng turuang mag-gitara ang anak ko. Konting pasakalye sa pagkalabit ng kwerdas at pagtipa. Wala pang kalahating oras ay eto na ang nasabi ng anak ko:
"Itay, piano na lang ang gusto ko, masakit sa kamay eh!"
Lorelia Sophia Labels: Gitara, Lorelia Sophia, Musika