Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Sunday, October 28, 2007

Musika


Eddie Vedder: Into The Wild (Music For The Motion Picture)

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 4:14 PM || link || (0) ang nakihigop |

Sunday, October 21, 2007

Pagsabog

Nagluluksa ang Pilipinas dahil sa naganap na pambobomba sa Glorietta 2. Nagkaroon na muli ng mga paghihigpit sa matataong lugar. Ngunit ang nakalulungkot ay sa mga ganitong pagkakataon lamang umiigting ang seguridad. Matagal ko ng nababanggit sa mga kaibigan ko ang hindi maayos na pagre-rekisa ng mga gamit sa pamilhan gaya ng Glorietta.

Maraming pagkakataon na kapag naka-shorts lang ako ay titingnan ang gamit ko. Ngunit kapag naka-barong/polo ako ay hindi na titingnan ang laman ng bag ko. Pansin din ito ni Joy, basta-basta na lang titingnan ang kanyang bag, walang depenidong paraan. Marahil ay kulang sa pagsasanay ang mga nagbabantay. Ganoon din sa ibang himpilan ng mga bus, hindi rin ganun kaayos ang seguridad.

Ayaw ko munang talakayin ang pulitikal na aspeto ng naganap na karahasan. Nakalulungkot lang na isiping maraming sektor ng lipunan ang nakikisawsaw na sa usapin.

Sa mga nagtatanong nga pala kung ano ang teklado, ito ay keyboard sa inggles. Teklado rin ang tawag sa tinitipa sa piano. May nagsabi sa akin dati na ang keyboard ng kompyuter ay talapindutan ng titik at bilang. Mukhang tama naman. Sa mga susunod na tala na lang natin ito talakayin.

Labels: , ,

|| nilaga ni qroon, 2:35 PM || link || (0) ang nakihigop |

Wednesday, October 17, 2007

Paningit O Panakip-butas

Marahil ay maraming nabobola ang talaarawang ito. Alin? Yung mga naghahanap ng resulta sa Google, Yahoo at iba pa. Mga naghahanap ng kasagutan sa kanilang mga takdang-aralin. May naghahanap ng mga pangalan ng Senador ng Pilipinas, larawan ng mga artista at kung anu-ano pa.

May naghahanap din ng tungkol sa mga bayani at kasaysayan. Ganoon na ba kaliit ang bahagdan ng mga tagalog o pilipinong aralin sa Internet? Marahil nga ay kakaunti ang nagsusulat ng kasaysayan na gamit ang tagalog/pilipino. O sablay lang talaga ang algoritmong ginagamit ng Google at Yahoo? O hindi lang marunong gumamit ng Internet ang mga naghahanap?

Panahon na nga yata upang magkaroon ng maraming magsusulat ng tala na gamit ang tagalog at pilipino. Ngunit sino? Maraming guro at manunulat na abala sa kanilang mga hanapbuhay. At mayroon nga palang Tagalog Wikipedia. Marami din namang makukuha dito ang mga mag-aaral.

Ang una kong nasa isip na isulat bilang paningit sa natutulog na talaarawang ito ay ang aking mga paboritong musikero/banda. Ngunit bigla na lamang pumasok sa isipan ko ang mga istatistika ng bumibista dito. Iba na nga siguro ang mga nangyayari kapag nagsimula ka ng pumindot sa mga teklado ng kompyuter.

At eto na ang mga paborito kong bandang lokal (dahil nagsimula na ulit akong tumugtog kahit papaano):


Sa ngayon ay yan lang muna ang maisusulat ko. O Boy Singkit, may mababasa ka na ulit! Paumanhin sa mga humihingi ng links, wala akong oras ngayon upang magsa-ayos ng talaarawang ito. Salamat sa mga nabababasa pa!

Labels: , ,

|| nilaga ni qroon, 12:08 AM || link || (0) ang nakihigop |

Tuesday, October 09, 2007

Pugad Baboy at Bukang Liwayway

Matagal nga akong hindi nakapagtala sa Kapihan kong ito. Ano na nga ba ang nangyari? Masyadong abala ako sa aking hanapbuhay at umiral na rin ang katamaran :) Eto muna ang maitatala ko ngayon. Ilang mga larawan muna, saka na lang ulit ang iba pa.

Maayos yung pagpapa-pirma namin kay Pol Medina ng Pugad Baboy 19 at Sunday Comics. Yun namang tugtugan ng The Dawn sa Aruba (SM Mall of Asia) ay ayos na sana. Ang kaso, kailangan ko pang bumili ng bagong pantalon. Bakit? Dahil may dress code ang Aruba! Bawal ang naka-shorts! Tsk! Pero Mababait ang The Dawn, pinirmahan nila ang CDs namin :)

The Dawn

Pol Medina Jr.

Boy Dapa at Pol

Ofelia Joy at Pol

At ito nga pala ang pang-dalawang daang (200) tala sa Kapihan ni Qroon!

Labels: , , ,

|| nilaga ni qroon, 10:14 PM || link || (2) ang nakihigop |