Nakalipat na ang inyong lingkod sa ibang opisina. Bagong hanapbuhay, at syempre may bagong laruan na ilalagay sa nilipatang opisina. Wala lang akong maidahilan para masabing nabili ni Inay ng mura ang laruang ito. 200 piso lang na dating isang libo! Eto yung Masterworks na nakabase sa Fantastic Four #243 "Everyone Vs. Galactus".
Labels: Fantastic Four, Galactus, Hanapbuhay, Laruan
May mini-review ako ng Glock 26 pistol na regalo ni Inay sa akin. Mababasa ang review sa isa ko pang Paradise Philippines blog.
Labels: Airsoft, KSC Glock 26C, Paradise Philippines, qroonix
|| nilaga ni qroon, 12:31 PM
|| link
|| (4) ang nakihigop |
Ang mga larawan ng laruang nasa itaas ay first generation design ng Transformers (Titanium Series). Mas nagagandahan ako dito kaysa dun sa Robo Vision na Oprimus Prime. Ayos naman yung bagong disenyo ng Transformers sa bagong pelikula. Ngunit ang pagkakagawa ng mga laruan ay hindi. Laruan talaga, hindi collectible.
Sa isang araw ay ilalagay ko rin dito yung larawan ng Optimus Prime Robo Vision. At pati na rin yung Titanium Series na naka-base sa bagong pelikula. Oo nga pala, nailagay ko na dati yung isa pang larawan ng First Generation Optimus Prime.
Labels: Optimus Prime, Robo Vision, Titanium Series, Transformers
|| nilaga ni qroon, 11:12 PM
|| link
|| (0) ang nakihigop |