Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Friday, July 28, 2006

System Administrator Appreciation Day

SysAdminDay

Friday, July 28th, 2006, is the 7th annual System Administrator Appreciation Day.
|| nilaga ni qroon, 7:56 PM || link || (5) ang nakihigop |

Monday, July 24, 2006

202 Larawan sa Flickr


Ginamitan ko ito ng GIMP (GNU Image Manipulation Program). Para sa iba pang mga larawan click nyo lang ito.
|| nilaga ni qroon, 10:59 PM || link || (5) ang nakihigop |

Wednesday, July 19, 2006

Kwentuhang Kalbo: Rizal

O Kalbong Kwentuhan.

Mga ilang linggo na rin ang nakalipas, habang nagkakape kami ni Habatutay ay napagkwentuhan namin si Rizal (Ute). Eto ang paunang impormasyon, ang Lolo ni Habatutay (LH) ay naging panadero ng isang Kababata ni Rizal (KNR). Kwento ni KNR, noong mga bata pa sila ay nakakalaro nila si Ute ng iskrimang patpat (kawayang espada). Wika daw ni Ute sa tatlong kalaro nito ay:

Kahit isa man lang sa inyo ang makatama sa akin, kahit sa damit lang, ay panalo na kayo!

Ayos! At di nga daw nakatama kahit sa damit yung tatlo.

Bigla naming nasabi:

Hindi rin mayabang si Rizal no? Siguro kung buhay ngayon si Rizal, eh malamang sa programmer yun o di kaya naman ay SysAd!
|| nilaga ni qroon, 6:16 PM || link || (5) ang nakihigop |

Monday, July 17, 2006

Get a Life and Get Laid

Ok, nevermind the getting laid part. There were comments in the cbox section about the perceived shallowness of TV/showbusiness, such as reading a book is better than watching TV. Well, everyone's got their own standards. Sadly, some people think that their standards are better than the others'. And there are some who swears their allegiance to a TV network. There's nothing wrong with being passionate about your craft. But there is something wrong when you elevate yourself above the others whose standard is different from yours.

Speaking of TV, any form of media (TV, radio etc.) can be a double-edged sword. Media can be used to entertain and inform people. But at the same time, it can also be used for propaganda and spreading of lies. Coupled with escapist form of entertainment, the disgust for TV/media comes in. In the end, it's up to us to analyze wether we are being entertained or being manipulated by the media.

Anyway, it's 2:18 a.m. and I need some sleep. Inay, nasaan nga pala yung plantsa? Mamalantsa pa ko ng barong!
|| nilaga ni qroon, 2:18 AM || link || (8) ang nakihigop |

Saturday, July 15, 2006

Pirata, Routers at Kapihan


Kagabi ay nagkayayaan kami ni Boy Popoy na manuod ng Pirates of the Caribbean: Dead Man's Chest. Ayos naman ang pelikula, masayang magulo. As usual, nagbasa ako sa Wikipedia tungkol sa plot, reviews at ilang trivia. Hindi natapos ang gabi hanggang walang kwentuhan tungkol sa computers at trabaho. Kaya habang nasa isang Kapihan kami, ay nagbigay ng ilang tips si Master Popoy tungkol sa mga router, lalo na ang isang tool na libog na libog sya, ang Dynagen.

Oo nga pala, mabilis pa rin ang libreng wifi access courtesy of Bon Bosco.
|| nilaga ni qroon, 8:38 PM || link || (4) ang nakihigop |

Sunday, July 02, 2006

Sunog sa Pasong Tamo


Nagkaroon ng malaking sunog kanina sa may Chino Roces Ave., malapit sa Magallanes Interchange. Ang unang akala ko ay ang opisina namin ang nasusunog. Narito ang ilang larawan kuha sa pinangyarihan.
|| nilaga ni qroon, 7:42 PM || link || (4) ang nakihigop |

Saturday, July 01, 2006

FĂȘte de la musique, Mall of Asia

Nanuod kami ni Boy Popoy ng FĂȘte de la musique sa Mall of Asia. Sinadya namin talaga dahil tutugtog ang isa sa paborito naming banda, ang Datu's Tribe. Solved ang tugtugan ng Datu's Tribe, unag pasok ang Sarsa Platoon at isinunod naman ang Lakambini Bottom. Tinugtog din nila ang dalawang kanta na galing sa bagong album nila na ilalabas sa Agosto, Karne at Whoa! Pilipinas!. Ang encore nila ay ang Nakalilitong mga Tao.

Todo slam ang mga bata. Walang nagtangkang banggain kami (ang laki ko ba naman). May ilang linya sa kanta ng Datu's Tribe ang tumatalakay sa kalagayan n ating bansa. Biglang sumigaw yung isang bata ng "GMA resign!". Sagot naman ni Cabring (Vocals ng Datu's):

Anong resign? Mag-aral nga kayo! Corny mang pakinggan, pero yun ang totoo. Ang makatapos ng pag-aaral ang solusyon!

Sapul na sapol, tumahimik yung nalilitong mga punklitos. Ilan sa paborito kong linya sa bagong kanta nila eh.

Ang bagong relihiyon ng masa ay ang tele-pantasya
Kaya mga artista dito'y nagiging pulitiko and vice versa
Ang dating kampo ni Bonifacio commercial center na ng elitista
Na tinatatambayan na rin ng mga bagong burgis na dating aktibista

Yung isa pang kanta nila eh tinatalakay ang nakalulungkot na sinasapit ng mga OFW (Karne). Na napipilitan ang karamihang mangibang bansa dahil sa kahirapan. Pagkatapos nilang tumugtog ay umalis na kami, hindi na namin nahintay pa ang Wuds, Live Tilapia at iba pang banda. Napadaan pa kami dun sa isang stage, Reggae, Ethnic at World Music ang tema. Balita ko ay tutugtog dun ang Tropical Depression at Coco Jam, pero nakaiinis yung "nutech crowd". Yung isa namang stage eh mukhang nilalangaw. Masaya talaga kapag masa ang mga kasama :)

Maitatanong mo rin, ilan kaya sa mga nanunood na punklitos ang nakukuha ang mga mensahe ng mga kanta? Ilan kaya talaga sa kanila ang alam ang ibig sabihin ng mga ipinagsusuot nilang damit? Ilan kaya sa naka-reggae na pananamit (kumpleto pa pati dreadlocks) ang alam ang roots ng musika nila? Ang sigurado ko lang, ay maraming pumunta to pick up and to be picked up (tama ba ang ingles ko?).
|| nilaga ni qroon, 12:13 AM || link || (2) ang nakihigop |