Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Monday, March 14, 2005
Call Center
Minsan ay nakasabay ko sa pag-uwi sa Batangas ang kaklase ko nung elementary. Marami kaming napagkwentuhan, marami ding walang kwenta. Sa aming pagkukwentuhan ay nabanggit ko sa kanya na ilang buwan din akong nagtrabaho sa isang call center bago ako pumasok sa kasalukuyan kong hanapbuhay. Bigla nyang nabulalas na:
"Ha? Nagtrabaho ka sa call center?"
"Oo p're, bakit?" ang sagot ko.
"Kung di lang kita kilala ay sasabihin kong typical kang call center agent, mayabang pero mababaw." ang sagot naman nya.
"Totoo namang mayabang at mababaw ako ah." biro ko naman sa kanya.
"**** $#& ka, madaldal at maangas ka lang." ang banat nya.
Harsh generalization (o ha, Inggles yun!). Ngunit hindi ko sya masisi kung mayabang at mababaw ang unang impression nya sa mga nagtatrabaho sa call center. May himig ng katotohanan ang sinabi nya. Noong nasa call center pa ako ay marami nga akong napansin sa mga agent. Kalimitan ay ganito ang eksena:
- Latest expensive cellphone models ang pinaguusapan.
- Parang pupunta sa party ang porma.
- Inggles ang makipagusap kahit nasa labas na ng opisina.
- Mahilig sa mga bagay na mamahalin (ngunit kahit naman hindi agent ay maraming ganito)
Minsan nga ay narinig ko sa isang kasama ko sa training na, "(Company Here) is the embodiment of the American Lifestyle!" Omigawd, malala na 'to.
Ipinaliwanag ko naman sa kaklase ko na hindi naman lahat ng nasa call center ay mayabang at mababaw. Marami din naman ang hindi. Kagaya na lang ng dati kong mga kasama sa account namin, mababait (naks) at hindi mayayabang. Ibahin nila kami. Linux, buhay at kalibugan ang paboritong paksa ng usapan (Peace mga m're at p're!). Sabi nga ng isa kong L2, "Hay naku, yung mga mayayabang sa ibang account eh kalimitan naman ay butas ang bulsa".
Ngunit hindi lahat ng butas ang bulsa (kagaya ko) ay mayabang.
|| nilaga ni qroon, 9:28 AM
Ang labo, no?