Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Saturday, May 16, 2009

Sa Pananaw Ni Ineng


Kanina ay nakikinig kami ng mga lumang kanta ni Vilma Santos. Yung Sixteen, Da doo ron ron at iba pa. Sarap pakinggan ng bass lines at yung mga himig, ang sarap sa tainga. Maiba naman sa sangkatutak na Metallica at Pearl Jam. At nakatutuwang pakinggan ang pagbigkas ni Vilma sa mga salita ay maliwanag. Walang arte at regional accent, academic english ang sabi namin. At itoý isang papuri sa pagbigkas ng Ingles na walang arte!

Ngayon, anong kinalaman ni Ineng? Nagustuhan din nya kasi ang mga kanta. Tinanong namin sya kung kilala nya kung sino ang kumakanta:


Inay: Kilala mo kung sinong kumakanta?

Ineng: Hindi po.

Itay: Sýa ang
governor natin. Governor ng Batangas.
Ineng: Si Gov. Vilma po?

Inay at Itay: Oo Ineng.


Makalipas ang ilang ulit na pakikinig, biglang naitanong ni Ineng:

Ineng: Paano po sya naging Governor?

Hindi na kami nakasagot ni Inay. Hanggang ngayon ay nag-iisip pa ako ng isasagot na maiintindihan ng bata. Na hindi ko hahaluan ng pananaw sa puilitika ng isang nakatatanda. Paano nga ba? Tulong naman dyan!

* Ang larawan sa itaas ay kinuha ko sa Nostalgia Manila (http://nostalgiamanila.blogspot.com/2007/11/ultimate-vilma-santos-scrapbook.html)

Labels:

|| nilaga ni qroon, 10:22 PM || link || (4) ang nakihigop |

Wednesday, May 13, 2009

Kahubdan!


Hubadan Sa Penshoppe!

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 10:31 PM || link || (0) ang nakihigop |

Ang Bente Pesos


Nabasa ng misis ko yung Try the P20 refrigerator test sa Inquirer.net. Tinanong ko sya kung bakit bente pesos ang gagagamitin. Dahil yun daw ang kalimitang matatagpuan sa mga bahay. Ano nga ba ang gusto kong patunayan?

Napagtanto ko na 20 pesos na nga ang pinakamaliit na pisong papel sa sirkulasyon. Bihira na kasi ang lima at sampung piso. At kapag may 20 piso ka ay ano nga bang mabibili mo? Kung nasa may Makati ka, maari ka ng mag-almusal sa mga "jollijeep", Isang kanin at binateng itlog na may pira-pirasong hotdog. Makiinom ka na lang ng tubig.

Maari din namang 10 pisong pan de sal, kapeng 3-in-1 at maliit na itlog, yan ay kung may oras ka pang magluto. Kung nagyoyosi ka naman, 3 marlboro lights at pamasahe balikan. Sa mga bata, hindi na maaring pabaon ang 20 piso. Magkano na ang pamasahe ng mga estudyante? Anim na piso, eh paano kung balikan? Sa walong piso ba eh may makakain ang mga bata?

Naalala ko tuloy noong nasa elementarya pa ako (oo gitna ng dekada otsenta). Ang 20 piso ay baon ko na sa loob ng isang linggo! May naiipon pang pambili ng teks at lastiko! At masaya na ako pag mayroon akong dalawam-pisong papel sa bulsa.

Labels: , , ,

|| nilaga ni qroon, 9:22 PM || link || (0) ang nakihigop |

Friday, May 08, 2009

Makamundong Talento

He he he. Ito ay isang nakatatawang pagsasalin ng salitang ingles na 'World Class Talent'. Bakit ko naman naisip ang salin na ito? Nabasa ko kasi yung isang tala ni Cabring tungkol sa mga 'World Class Talent'. Ano nga ba ang batayan para masabing pang-daigdigan ang talento ng isang Pinoy? Aling pamantayan ang susundan? Sapat na ba na makapagtanghal sa mga Pilipino sa ibang bansa?

Mas maigi pang basahin na lang natin ang mga sinabi ni Cabring. :)

Labels: , ,

|| nilaga ni qroon, 12:26 AM || link || (1) ang nakihigop |

Monday, May 04, 2009

Freedom Bar Gig on May 29


Inaanyayahan ko po yung mga nagbabasa ng talaarawang ito na panoorin ang aming banda (BlissBuds) sa Freedom Bar ngayong Mayo 29, 2009. Tara!

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 10:27 AM || link || (0) ang nakihigop |