Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Sunday, March 02, 2008

Blogger Sa Wikang Filipino

Kanina ko lamang nabasa na mayroon ng Filipino sa pagpipilian sa Blogger [1]. Nakatutuwa naman at nabigyan ng pagpapahalaga ang ating pambansang Wika. Nawa ay sumunod naman ang iba pang wika dito sa Pilipinas (Bisaya, Ilokano at iba pa.)

[1] Blogger now in Filipino

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 9:40 PM || link || (0) ang nakihigop |

Text (Teks)

Kung bata ka na noong dekada 80 ay siguradong naglaro ka teks. Nakatutuwa na may naglalaro pa rin pala ngayon nito. Hindi na nga lang pelikulang Pilipino na iba ang kwento kaysa palabas ang nilalaman. Kaya noong makita kong naglalaro ang mga pinsan ko ay nakisali ako. Hindi sila nanalo, marunong pa pala ako (ng mandaya), bwahahahahahaha!

Naruto Teks

Bilang muna ng pinanalunan (isa, dalawa, tatlo, cha!)

Itsa muna!

Labels: , ,

|| nilaga ni qroon, 6:16 PM || link || (2) ang nakihigop |