Kanina ko lamang nabasa na mayroon ng Filipino sa pagpipilian sa Blogger [1]. Nakatutuwa naman at nabigyan ng pagpapahalaga ang ating pambansang Wika. Nawa ay sumunod naman ang iba pang wika dito sa Pilipinas (Bisaya, Ilokano at iba pa.)
[1] Blogger now in Filipino Labels: Blogger, Filipino
Kung bata ka na noong dekada 80 ay siguradong naglaro ka teks. Nakatutuwa na may naglalaro pa rin pala ngayon nito. Hindi na nga lang pelikulang Pilipino na iba ang kwento kaysa palabas ang nilalaman. Kaya noong makita kong naglalaro ang mga pinsan ko ay nakisali ako. Hindi sila nanalo, marunong pa pala ako (ng mandaya), bwahahahahahaha!Naruto Teks
Bilang muna ng pinanalunan (isa, dalawa, tatlo, cha!)
Itsa muna! Labels: Laruan, Teks, Text