Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Wednesday, December 20, 2006

Kopya

Eto na yata ang hinihintay namin ni Boy Popoy. Ang madaling solusyon sa pagkopya ng laman ng tapes para ma-digitize. Tingnan nyo na lamang sa ThinkGeek para sa iba pang impormasyon.
|| nilaga ni qroon, 6:44 PM || link || (3) ang nakihigop |

Tuesday, December 19, 2006

Firefox at NU 107 Rock Awards 2006

Yeah baby, yeah! he he he. Firefox ang nangungunang browser na ginagamit ng mga bumibisita sa Kapihan ni Qroon [1]. At NU 107 Rock Awards 2006 naman ang nangunguna sa key words na ginamit sa Google [2]. Wala akong mailagay na updates eh, kaya yan na lang muna. Oo nga pala, sumunod ang keyword na Angelica Panganiban Photoshop.

[1]
[2]
|| nilaga ni qroon, 1:38 PM || link || (0) ang nakihigop |

Monday, December 11, 2006

Laruan, Laruan ... Nagbata-bataan

Noong bata pa ako ay hindi ako makabili ng mga laruang kagaya nito. Una ay kapos ang pambili at ang panglalawa ay walang mabilihan sa probinsya namin. Yung Transformer (Optimus Prime Hybrid Style Convoy) ay gusto ko talagang mabili dati. Tiyaga na lang sa pagtingin sa mga catalogue ng laruan. Kaya ngayong medyo nakaipon ay nakabibili ako kahit papaano.

T.H.S. 02 Optimus Prime Hybrid Style ConvoyT.H.S. 02 Optimus Prime Hybrid Style Convoy

Ang mga Gundam naman na ito ay para may makalikot ako. Masarap ang sumunod sa manual at buuin sa isang robot ang bwat maliliit na parte ng isang Gundam.





At ang mga gamit at laruang baril naman na ito ay para sa airsoft games. Ano ang justification ko? Form of an exercise at pagtanggal ng stress, he he he.

TM Steyr AUG, TM Samurai Edge, Helmet at MaskTM Steyr AUG, TM Samurai Edge, Helmet at Mask

Minsan ay naiisip ko kung kailangan ko ba talaga lahat ang mga bagay na ito. O nais ko lang punuan ang mga bagay na di ko nabili dati. O biktima na ako ng dikta ng lipunan na kailangang bumili ng kung anu-ano para sumaya. Siguro nga ay may epekto sa akin ang consumerism. Ah! Ewan ko, hindi ko alam.
|| nilaga ni qroon, 4:22 PM || link || (11) ang nakihigop |

Saturday, December 02, 2006

Das Kapihan: NU107 ROCK AWARDS 2006

NU107 ROCK AWARDS 2006NU107 ROCK AWARDS 2006
Galing kami kagabi sa 13th NU 107 Rock Awards. Syempre, horny kami sa rakrakan, 6:30 kami dumating sa World Trade Center.

Sabi sa ticket 6:00 PM bukas na ang gates. Bukas na nga pero hindi pa nagpapasok. Galit na ang mga tao, ang haba na ng pila sa labas. Marami ang nagrereklamo dahil iba pa ang daanang gate ng may complimentray tickets (VIP/Red Carpet yung isa) gayong pare-pareho lang daw nagbayad at yung maikli ang pila ay freeloaders pa. Mga 7:00 PM na nagsimulang magpapasok.


Security check na! Bawal ang yosi at lighter, oks lang sabi ko. Ang galit ng misis ko at ni Boy Popoy, bawal daw ang camera sa loob. Ayos na rin, sunod na lang tayo sa patakaran. Sayang nga lang at low-end ang camera ng cellphones namin, di kami makakukuha ng magagandang shots. Maaasar ka nga lang dahil maraming nakalusot na may dalang camera! Tsk!

Pero ayos lang dahil matapos ang concert eh may mga natutukan ako sa backstage para sa photo-ops, he he he. Heto ang ilan. Ang iba ay nasa Ituloy AngSulong at blog ni Ofelia Joy.

Chito Miranda  ng Parokya at Boy Dapa (qroon) sa 2006 NU 107 Rock AwardsChito Miranda ng Parokya ni Edgar at Boy Dapa (qroon) ng Fart Session


Jay Contreras ng Kamikazee at Boy Dapa (qroon) sa 2006 NU 107 Rock AwardsJay Contreras ng Kamikazee at Boy Dapa (qroon) ng Google Dolls
|| nilaga ni qroon, 1:33 PM || link || (3) ang nakihigop |