Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Saturday, December 02, 2006
Das Kapihan: NU107 ROCK AWARDS 2006
Galing kami kagabi sa 13th NU 107 Rock Awards. Syempre, horny kami sa rakrakan, 6:30 kami dumating sa World Trade Center. Sabi sa ticket 6:00 PM bukas na ang gates. Bukas na nga pero hindi pa nagpapasok. Galit na ang mga tao, ang haba na ng pila sa labas. Marami ang nagrereklamo dahil iba pa ang daanang gate ng may complimentray tickets (VIP/Red Carpet yung isa) gayong pare-pareho lang daw nagbayad at yung maikli ang pila ay freeloaders pa. Mga 7:00 PM na nagsimulang magpapasok.
Security check na! Bawal ang yosi at lighter, oks lang sabi ko. Ang galit ng misis ko at ni Boy Popoy, bawal daw ang camera sa loob. Ayos na rin, sunod na lang tayo sa patakaran. Sayang nga lang at low-end ang camera ng cellphones namin, di kami makakukuha ng magagandang shots. Maaasar ka nga lang dahil maraming nakalusot na may dalang camera! Tsk! Pero ayos lang dahil matapos ang concert eh may mga natutukan ako sa backstage para sa photo-ops, he he he. Heto ang ilan. Ang iba ay nasa Ituloy AngSulong at blog ni Ofelia Joy.
Chito Miranda ng Parokya ni Edgar at Boy Dapa (qroon) ng Fart Session
Jay Contreras ng Kamikazee at Boy Dapa (qroon) ng Google Dolls
Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Baybayin
Baybayin po ang tawag sa sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Filipino at hindi Alibata! Ang salitang Alibata ay binuo lamang noong mga unang taon ng 1900.