Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Wednesday, November 29, 2006

Ang Nasasakdal: Boy Dapa's Mugshot Revisited

Boy Dapa

Eto yung dating tala sa ko dito sa Kapihan. Inulit ko lang. Ginamitan ng The GIMP.
|| nilaga ni qroon, 5:28 PM || link || (2) ang nakihigop |

Hospital

Ayaw na ayaw ko talaga sa mga hospital. Yung amoy ng paligid, halu-halo na, may alcohol at kung anu-ano pang di mo mawari. Hindi talaga ako pwede sa medical profession, 'di ako tatagal. Pero ang paborito ko eh kapag kinukuhanan ako ng dugo. Ang gandang tingnan nung dugo na hinihigop ng heringgilya mula sa braso o kamay ko.

Boy Dapa: Excuse po, saan yung ...
Nurse: Doc (Nakatingin kay Boy Dapa), hindi po dito ang veterinary medicine.
Boy Dapa: (WTF?!)


He he he. Wala lang akong mai-joke. Hindi totoo yung usapan.
|| nilaga ni qroon, 11:02 AM || link || (3) ang nakihigop |

Sunday, November 26, 2006

Talaarawang Tagalog ...

... O Tagalog Blog. Bakit ko dinagdagan ang pamagat ng blog na ito? Napansin o kasing maraming kakaibang keyword referrers papunta dito. Nais ko bang i-optimize lang ito sa ilang kataga lamang? Siguro nga, pero di ko talaga alam. Sa mgayon ay kuntento na ako sa kinalalagyan ng blog na ito. Kung nais ko namang magsulat na gamit ang inggles ay yung QrooniX ang ginagamit ko.
|| nilaga ni qroon, 11:11 AM || link || (0) ang nakihigop |

Friday, November 24, 2006

GMail Invites

Para sa mga taong nangangailangan pa ng GMail accounts, mag-email lang kayo sa akin sa:

kapihan[at]gmail[dot]com
|| nilaga ni qroon, 2:11 PM || link || (0) ang nakihigop |

FHM November Issue

Eto na ang hinihintay ni Boy Popoy at ni Boy Gapang. The ultimate FHM issue!

|| nilaga ni qroon, 10:35 AM || link || (4) ang nakihigop |

Thursday, November 23, 2006

Alak, Angelica at Photoshop

Ang galing talaga ng Photoshop. Maraming kayang gawing himala sa mga larawan. Gaya ng mga larawan ni Angelica Panganiban na ginamit sa kalendaryo ng Ginebra San Miguel. Makikita ang iba pang larawan sa QrooniX.

Angelica Panganiban
Angelica Panganiban
Angelica Panganiban
Angelica Panganiban
|| nilaga ni qroon, 11:10 AM || link || (8) ang nakihigop |

Monday, November 20, 2006

Hapunan, Inuman at Kulitan

Noong Byernes ng gabi eh galing kami ni Boy Popoy sa kaarawan ni watermelon.gurl. Heto ang isa sa mga larawan.

|| nilaga ni qroon, 5:58 PM || link || (0) ang nakihigop |

Thursday, November 16, 2006

Hinugot Kung Saan-saan

Secretary: Sir, is there anything else?
Boss: Don't screw up or I'll screw you!

Sa isang sticker na nakita ko kanina: Don't Steal, The government hates competition!

Oo, may brain fart pa rin ako, wala talagang maisip na matino.
|| nilaga ni qroon, 6:24 PM || link || (3) ang nakihigop |

Massacre

Dalawang taon na ang nakalipas, ano na ang nangyari?

Nagbabagang Lupa.
|| nilaga ni qroon, 11:08 AM || link || (0) ang nakihigop |

Wednesday, November 15, 2006

Kapihan Updates

Wala akong maisulat ngayon
Blangko ang isipan
Nangangalawang ang mga daliri
Namumurol ang utak!

Wala na nga bang maisip?
O tinatamad lamang?
Siguro nga ay pareho lamang
Naubos na ang mga dahilan!

Masyado lang akong abala sa trabaho at Ituloy AngSulong Movement.
|| nilaga ni qroon, 5:27 PM || link || (0) ang nakihigop |

Friday, November 10, 2006

Baril at Google

Kapag walang magawa, kuha ng sariling larawan...

Boy Dapa
Boy Dapa
Boy Dapa
|| nilaga ni qroon, 1:09 PM || link || (2) ang nakihigop |

Thursday, November 09, 2006

Banyo Post

Sa mga palikuran, lalo na sa mga opisina, alam na alam mo kung may nagbabawas. Pag pasok mo pa lang ng banyo, may maririnig kang ganito:

Ahem! Ahem!

Ang ginagawa ko naman, pinapatay ko ang ilaw. Sabay takbo!
|| nilaga ni qroon, 2:00 PM || link || (2) ang nakihigop |

Tuesday, November 07, 2006

Para sa Masa

Oo, masa ako, masasapak ng misis ko pag di pa ako sumweldo mamaya, he he he.


Ituloy AngSulong Para sa Masa!
|| nilaga ni qroon, 11:53 AM || link || (3) ang nakihigop |

Monday, November 06, 2006

Ituloy AngSulong ng Kwentong Paurong

Nagsimula ang lahat sa Ituloy AngSulong Movement. Na itinuloy ni Boy Popoy.

An Ituloy angSulong Movement's Initiative

Nahalina ang prinsipeng matikas, lumambot ang pusong matigas.

Meme Count: 3
Previous Posts:
Lahat ng nilalang sa kaniyang kaharian ay namamangha sa ganda ng braces niya sa ngipin.
Noong unang panahon, sa isang hindi kalayuang lupain, may isang dalagang nakatawa.

To be continued by : Sasha
|| nilaga ni qroon, 6:19 PM || link || (0) ang nakihigop |

Bagong Pinta

Sinubukan kong magpalit ng template para sa talaarawang ito. Hindi ako masyadong nagagandahan, ngunit kulay kape kaya pinatulan ko na rin.
|| nilaga ni qroon, 5:50 PM || link || (2) ang nakihigop |

Friday, November 03, 2006

Unang Putok Audio Blog

Dati ay hiniling ni uniksboy na mag-audio blog ako. Well, eto na po yun. Kasama ko si Boy Popoy sa walang kagaling-galing na gawaing ito. Mapapakinggan nyo ito sa Ituloy AngSulong.
|| nilaga ni qroon, 9:01 AM || link || (2) ang nakihigop |

Thursday, November 02, 2006

Landian Sa Kapihan

Kahapon ay nasa isang kapihan lang kami nila Boy Popoy at Kukote. Kape, kwentuhan at blog. May nag-uusap sa likuran namin, isang kano (american ang accent nya eh) at isang pinay. Mukhang nagkakalandian sila. Hindi naman namin pinapansin kaagad dahil abala kami sa Ituloy AngSulong. Biglang nagtanong yung kano kay Kukote, "Can I ask something?". Sure! Ang sabi ni Kukote. Can you translate "Halikan mo ako"? Sumabat naman ako, "It means Kiss me, she is asking you to kiss her". Nagpalusot na yung babae, nagkatinginan na lang kaming tatlo.
|| nilaga ni qroon, 3:04 PM || link || (2) ang nakihigop |

Wednesday, November 01, 2006

Bengbeng

Eto ang isa sa pinagkakaabalahan ko ngayon. Airsoft.

Boy Dapa
|| nilaga ni qroon, 2:06 PM || link || (4) ang nakihigop |