Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Monday, October 30, 2006

Ituloy AngSulong


Ituloy AngSulong
|| nilaga ni qroon, 11:29 AM || link || (3) ang nakihigop |

Bagyong Paeng

Sabi ni Mike Enriquez kanina: Bagyong Paeng binabayo ang Baguio!
|| nilaga ni qroon, 9:47 AM || link || (2) ang nakihigop |

Friday, October 27, 2006

Huwad Po!

Ang nakalulungkot na kalagayan ng ating bayan. Pati ang mga barya ay huwad na rin!

Huwad!

Huwad po!
|| nilaga ni qroon, 11:13 PM || link || (1) ang nakihigop |

Thursday, October 26, 2006

Ibang ihip ng hangin

Parang gusto ko rin ng AEG na ito.
|| nilaga ni qroon, 7:15 PM || link || (0) ang nakihigop |

Bagong Post

Bagong post? Wala pa akong maisip. Fedora Core 6? Wala pa akong in-depth review (naks, akala mo eh totoo). Bagong kwento? Nag-iisip pa. Bagong airsoft gears? Wala pa akong helmet at vest. Bagong brief? Meron! he he he. Mga wentong walang wenta. Marami nyan kami.

Welcome back Inay! Sige post pa ng post at para makarami sa ads at Google PR.
|| nilaga ni qroon, 7:00 PM || link || (0) ang nakihigop |

Wednesday, October 25, 2006

Google Keywords at Divisoria Blues

Natatawa kami ni Boy Wan Fai sa mga resulta ng referrers ng mga blog namin. Minsan lang daw syang nagsulat ng tungkol kina Liz Almoro at Willie Revillame ay marami ng hits at referrals sa blog nya. Ako naman ay maraming hits tungkol sa mga salitang:


Karamihan naman sa mga salitang yan ay nabanggit ko lang minsan. Naisip ko tuloy, ganoon na ba kakulang ang nagsusulat ng tagalog/filipino sa web?

Ayos nga ang presyo ng mga paninda sa 168 Mall sa Divisoria. Mura at syempre kopya o pinirata. Pero mabibilang mo lang ang marunong magtinda. Merong masungit at meron namang nagchi-chismisan lang. Tsk!

Fai-wan-tu em-mi? Wan Fai yan! (for the record: di kami racists) Andami lang talagang di marunong magsalita ng lokal na mga wika gaya ng tagalog sa Divisoria.
|| nilaga ni qroon, 12:06 PM || link || (1) ang nakihigop |

Monday, October 23, 2006

Kwentong Barbero

Nasa elementarya pa lang ako ay may suki na akong barbero, si Mang Alden. Hanggang sa mag-asawa ako at magka-anak ay sya ang paborito kong barbero. Palaging may kwentuhan, tungkol sa banda, pulitika at kalokohan. Kabisado na rin nya ang buhok ko at sa istilong gusto ko (kalimitan ay semi-kalbo na may patilya at balbas).

Pero kahapon ay napilitan akong magpagupit sa iba. May card kasi si Joy, yung may libre kang gupit pag napuno mo yung card. Sa isang "salon ng bayan" ako nagpagupit. Pasok ako sa salon. Ayayay! Mga bruha! Malandi ang paligid. Ayos lang sa akin, di naman ako homophobic. Natutuwa pa nga ako sa mga hirit ng mga bading.

Heto na ang gupitan. Ang sabi ko kasi, "Yung tabi lang ha, tapos wag mong puputulin ang patilya". Pero kamukat mukat ko eh unang pinanipis ang pinakaiingat-ingatan kong apache! Haaayyy... Parang nagsisisi ako tuloy. Wala na ngang kwento, pinutol pa ang patilya ko.

Hahanap-hanapin mo talaga yung medyo maalinsangang panahon. Ang amoy ng after-shave at mumurahing pulbos. Yung matalas labaha at hindi mumurahing blade na baka mataga pa ako. Yung bentilador sa kisame na medyo may kaingayan. Mga kwentuhan ng mga parokyanong nagtatalo sa kung anu-ano. May kalumaang mga tugtugin na nagmumula sa basag na speaker.

Masarap talaga sa barberiya. Sa barberiya ni Mang Alden. At masayang pakinggan ang mga Kwentong Barbero.
|| nilaga ni qroon, 6:27 PM || link || (2) ang nakihigop |

Thursday, October 19, 2006

Pirates, Batman, Gun and Rogue

Pirata si Batman? Medyo nag-ingles ako ngayon. Puntahan nyo na lang dito.
|| nilaga ni qroon, 6:02 PM || link || (0) ang nakihigop |

Tuesday, October 17, 2006

Isa Pang Blog

Yun nga palang isa kong blog ay ia-update ko na ulit. Bakit? Masamang impluwensya si Kukote, he he he!
|| nilaga ni qroon, 6:28 PM || link || (4) ang nakihigop |

Friday, October 13, 2006

Bata, Bata.... Batang Isip

Eto ang epekto ng Linux, pagkabagot at Internet...

Boy Dapa JediBoy Dapa Jedi
|| nilaga ni qroon, 3:36 PM || link || (9) ang nakihigop |

Wednesday, October 04, 2006

Laklak

Oktoberfest na!
|| nilaga ni qroon, 10:17 AM || link || (3) ang nakihigop |