Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Monday, September 25, 2006
Kopya
Sa tuwing pupunta kami ni Joy sa mga pamilihan (Malls, palengke atbpa.), ay mapapansin mong halos iisa ang disenyo ng mga produktong kagaya ng tsinelas, pantalon, sapatos at damit. May mga pagkakataon na makikita mo yung mga original o naunang maglabas ng isang disenyo at maikukumpara mo dun sa kopya lamang.
Para sa iba ay hindi maganda ang ganito, hindi daw kasi nagsusumikap na makagawa ng sariling dibuho. Ngunit nagpapasalamat na rin ako at may mga brand na kinokopya ang istilo ng iba at naipagbibili ang mga produkto sa murang halaga. Kinakaya na rin ng masa na makabili ng sa tingin nila ay magara at bago.
Ang tanging maipagmamalaki (maipagyayabang?) na lang ng may pera ay "original" ang kanila. Ngunit, ano ang punto nila? Na nauna sila? Na mas maganda ang kanila? Simple lang naman yan, hindi na naiiba o kakaiba ang gamit mo. :)
Isa na ang brand na Planet, halos lahat yata ng disenyo ay na-kopya na nila. Patok sila sa masa. Kahit mumurahin ay ayos lang sa nakararami. Ang Bench at Penshoppe, pansin namin ay kinokopya din nila ang mga mamahaling imported brands. Patok din sa nakararaming mga kabataan.
Isa lang ang tanong ko. Ginagamit nga kaya ng mga endorser ang produktong sila ang modelo? Ibang usapan na lang siguro yun. Salamat na rin sa nangongopya, kahit tubo (profit) lang ang gusto nyo, ay nakapagpasaya naman kayo ng masa.
|| nilaga ni qroon, 5:56 PM