Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Monday, September 04, 2006

Dyaryo

Dahil sa internet, ay bihira na akong bumili ng dyaryo. Bibili lang ako kapag umuuwi ng Batangas at matagal pang mapuno ang byahe. O dili naman kaya ay mga pagkakataong naiinip ako at gusto kong magbasa ng hindi computer ang kaharap. At kapag bumibili ako ng broadsheet ay bihira kong binabasa ang Life Style section. Wala akong makitang life o style sa mga pahinang yun. Paano ba naman ay tipikal na mga larawan ng mga taong di ko kilala.

Ngunit kahapon eh wala akong magawa kaya bumili ako ng isang broadsheet (feeling intellectual ang mamang kalbo). Bakit ang hindi, eh hindi daw pangmasa ang broadsheet. Pang-tabloid lang daw ang common taong kagaya ko. Isang dahilan kung bakit ako bumili ng peryodiko? Magtingin-tingin ng ibang trabaho. Si Boy Popoy kasi eh may bagong trabaho na,at ang boss nya eh si Watermelon.

May isang artikulo sa Life Style section na umagaw ng aking atensyon. Ito ay ang De Kahon ni Gilda Cordero-Fernando. Tinalakay nya ang maraming bagay tungkol sa sining. Maaaring sa ibang artist ay alam na nila ang konsepto ng paglabas sa kahon. Ang lumikha ng bagay na sa tingin ng iba ay hindi tatangkalikin ng masa. Ang sundin ang sinasabi ng isipan at isagawa ang nais. Ngunit sino nga ba ang dapat magdikta kung ano ang nais ng masa?

Nabanggit din ni Ginang Fernando ang matagal ko na ring napapansin. Ang media ang nagdidikta kung ano ang dapat at hindi para sa masa. Isa na nga siguro ang telebisyon sa ebidensya ng pagkakahon sa mga isipan. Parang ikinakahon ang kayang isipin ng mga tao. May mga depinidong formula sa mga palabas. Mga obrang(?) sa tingin ng nasa telebisyon at mga negosyanteng may-ari nito ay syang nararapat sa mga tao.

Tinalakay din ni Ginang Fernando ang tungkol sa animoy bumababang kalidad ng naggagawad ng mga parangal para sa mga lagad ng sining na kagaya ng Palanca Awards. Masyado na ngang marami ang kategorya. Hindi man palagay ang loob ko sa salitang elitista eh sumasang-ayon ako sa sinabi nya:

Bakit elista? Why stop the multiplication of loaves? Because an award is a distinction. It recognizes a majot achievement and should be elitist and exlusive as it can be!


Pumasok na sa usapan ang ginagawa ng pamahalaan upang matulungan ang sining. May ginagawa ba? Hindi ko alam, kung ang mahihirap ay hindi mabigyan ng magandang trabaho, ang mga nagugutom pa kayang tunay na alagad ng sining? Isa pang magandang sinabi ni Ginang Fernando ay:

Poverty is the artist's lot unless he finds means of support other than his art and a wife to hold up half the sky. The government hardly remembers him except when he can be politically used. Big business does not ask him to be an endorser or whiskey, slimming tea or underwear.


Sapul na sapul! Napakaganda!

Ah... Masama yatang nag-iisa ako. Kung anu-anong naiisip at nababasa ko :)
|| nilaga ni qroon, 12:28 PM

6 Ang nakihigop:

Hindi ka nman nag iisa ah! maraming multo jan sa tabi mo.. check mo at minsan e kausapin morin wawa nman sila... hinihintay lang ang iyong limos na sandali.. hahah!!

Kaya nga ba hindi ako nanonood ng tv hanggang naka box pa ito.. lalo na kung bago,, kelangang tanggalin muna sa box dba? tama ba?

Sa dyaryo nga muna pala... hindi ako nag babasa ng dyaryo kasi tamad akong mag basa.. lalo na mga jaryo nmin dito puro politics kasi eleksyon... e keber moba dimo nman nga tinatanong eh!

Malalim ang entry mo.. diko masyadong ma dig... hmmm.. hahalukayin ko muna ah! wait.... kaba na ang comment ko.. hahaha!
Blogger lheeanne, at 10:03 AM  
TK, yeah, may mga bubwit sa bahay. he he he. Oks din namang magbasa ng politics minsan, makikita mo kung paano magbaliktaran at magbolahan sila.

Hindi malalim ang entry ko, simpleng pananaw lang ng pagkaraniwang tao. :)
Blogger qroon, at 11:11 AM  
qroon, san yun na dyaryo mo na basa? kasi that's exactly how i feel, especially with our movie and music industry. yung mga kanta ngayon sumusikat kasi masyadong "victimized". yung mga movies, poverty ang pinapalabas na reason for this or that or kung gaano ka hirap ang buhay...and yes, the media does dictate almost what society should be. it's crappy. minsan nawawala and sense of identity ng isang tao.
Anonymous Anonymous, at 4:29 PM  
cheska, sa Sunday Issue(Sept. 6) ng Inquirer. Salamat ulit sa pagdalaw :)
Blogger qroon, at 6:26 PM  
i must say, nahirapan akong magbasa ng tagalog. hehe.

at hindi ako maka-relate kasi hindi ako mahilig magbasa ng dyaryo...
Blogger dezphaire, at 10:47 PM  
Dez, malalim naman ang mga salitang tagalog mo sa reklamadora ah :) Paminsan-minsan lang akong magbasa ng peryodiko, pambili na rin kasi ng meryenda ang presyo eh.
Blogger qroon, at 10:48 AM  

Makihigop na!