Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Saturday, March 25, 2006

Kapitbahay

Sa loob ng mahigit na isang taon na pamamalagi ko sa sa tinitirahan namin ay marami na rin akong naging mga kapitbahay. May mga umaalis at dumarating. Noong kahati ko pa sa bahay si Boy Popoy ay una naming naging kapitbahay si Alessandra. Naging masaya ang aming mga umaga dahil palagi namin syang natatanaw sa may balkonahe. Lumipas ang mga araw na gaya ng mga lumilipad na palaso at nalaman na lang namin na umalis na si Alessandra.

Hindi kami naging masaya ni Boy Popoy sa bago naming kapitbahay, si Rainier. Makalipas ang ilang bilog na buwan ay umalis na rin sya halos kasabay ng pag-alis ni Boy Popoy. May bago na ulit kaming kapitbahay nung makasama ko na ang aking mag-ina. Ngunit isang araw nang dumating ako sa bahay ay ito ang sinabi ng anak ko:

"Itay! Wala na si Boy Bawang! Umalis na!"
|| nilaga ni qroon, 2:19 PM || link || (1) ang nakihigop |

Tuesday, March 21, 2006

BOSS


Haaaayy.... Hinahanap-hanap ko na rin ang mga gawain namin dati sa Batangas Open Source Society (BOSS). Naging abala na rin kaming mga kasapi ng samahan kaya natutulog ngayon ang BOSS. Sa susunod na mga linggo ay baka makaluwag na rin kami at masimulan na ulit gisingin ang BOSS.
|| nilaga ni qroon, 9:23 AM || link || (3) ang nakihigop |

Monday, March 20, 2006

Equinox

|| nilaga ni qroon, 2:36 PM || link || (0) ang nakihigop |

Gusto Ko ng Bago!

Ang aming departamento ang nagrerekomenda ng specifications ng mga computer/laptop na nire-request ng mga kapwa namin epleyado. Karaminihan sa mga nagre-request ang sinasabi eh:

Ma'am: Gusto ko yung latest na laptop, yung branded at Centrino.
Sir: Dapat yung mabilis, sooper-dooper gigahertz!

Hhhmmm... Ano kayang applications ang gagamitin nila at kailangan ng latest at mabilis? Tanong naman ako sa kanila:

BOFH: Ma'am/Sir, Ano pong applications ang ilalagay natin sa laptop?
Ma'am/Sir: Internet, e-mail, Word, Excel at Powerpoint.
BOFH: Sige po, forward namin sa procurement ang recommendation.

Gawa naman ako ng sulat (syempre kailangang mag-english kahit papaano):

Based on Mr./Ms. computing needs, we recommend the following specifications for his/her requested laptop:


Tunog ang telepono ko:

BOFH: Thank you for calling.....
Ma'am/Sir: Ano ba kayo, di ba sabi ko yung mabilis at latest model ng laptop? Bakit ito ang recommendation nyo?
BOFH: Ma'am/Sir, yun po kasi ang evaluation namin based on your needs....
Ma'am/Sir: <click> toot-toot-toot...

BOFH: $&*@#!
|| nilaga ni qroon, 11:11 AM || link || (0) ang nakihigop |

Larawan

Para masabi namang nag-a-update ako ng blog, ay eto ang ilang larawan sa aking account sa Flickr. Yung mga bago ay gamit ang Vivitar ViviCam 3755 na kinuha ko kay Boy Popoy.
|| nilaga ni qroon, 11:01 AM || link || (1) ang nakihigop |

Monday, March 13, 2006

Middle Class Pinoys (Daw)

May e-mail na kumakalat na sa himig nila, ay sila ang boses ng middle class pinoys. Mahaba sigurong usapan ito. Pero may isa akong nais sabihin:

Lahat ng mamamayan ay naapektuhan ng pagtaas ng buwis, direct taxation sa tinatawag nilang mahihirap/masa. Bawat bilihin ay pinapatungan na ng buwis. At lahat ng mga mamamayan ng ating bansa ang nahihirapan pag may kaguluhan.

Saka na ang ibang punto. Oo nga pala, napapadagdag ang mga ganitong e-mail sa mailqueue ng server namin, binubura ko na lang.
|| nilaga ni qroon, 6:20 PM || link || (1) ang nakihigop |