Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Monday, March 20, 2006
Gusto Ko ng Bago!
Ang aming departamento ang nagrerekomenda ng specifications ng mga computer/laptop na nire-request ng mga kapwa namin epleyado. Karaminihan sa mga nagre-request ang sinasabi eh:
Ma'am: Gusto ko yung latest na laptop, yung branded at Centrino.
Sir: Dapat yung mabilis, sooper-dooper gigahertz!
Hhhmmm... Ano kayang applications ang gagamitin nila at kailangan ng latest at mabilis? Tanong naman ako sa kanila:
BOFH: Ma'am/Sir, Ano pong applications ang ilalagay natin sa laptop?
Ma'am/Sir: Internet, e-mail, Word, Excel at Powerpoint.
BOFH: Sige po, forward namin sa procurement ang recommendation.
Gawa naman ako ng sulat (syempre kailangang mag-english kahit papaano):
Based on Mr./Ms. computing needs, we recommend the following specifications for his/her requested laptop:
- Not so latest model (Not so Popular Brand)
- Celery not Centrino processor
- Large amount of RAM
Tunog ang telepono ko:
BOFH: Thank you for calling.....
Ma'am/Sir: Ano ba kayo, di ba sabi ko yung mabilis at latest model ng laptop? Bakit ito ang recommendation nyo?
BOFH: Ma'am/Sir, yun po kasi ang evaluation namin based on your needs....
Ma'am/Sir: <click> toot-toot-toot...
BOFH: $&*@#!
|| nilaga ni qroon, 11:11 AM