Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Saturday, November 26, 2005

Wget

Wala akong internet connection sa bahay ngayon, may mga kailangang rpm (para sa Fedora Core 4) na wala sa aking default installers. Ang solution ay i-download ang mga rpm sa http://rpm.livna.org/fedora/4/i386/RPMS.lvn/ , pero nakababagot kapag inisa-isa ko ang pagkuha nito. Pasok ngayon ang wget:

wget -r -l1 --no-parent -A.rpm http://rpm.livna.org/fedora/4/i386/RPMS.lvn/

Ayos! Automatic ng na-download ang mga rpm.
|| nilaga ni qroon, 5:04 PM || link || (3) ang nakihigop |

Thursday, November 17, 2005

Komiks

At para naman sa mga kagaya ni YosiBreak na mahilig sa scanned comics, narito ang:

Comical: A comic book reader for Linux, MacOSX and Windows.
|| nilaga ni qroon, 2:08 PM || link || (1) ang nakihigop |

Balitang Kape

Para sa mga mahilig sa Decaf na kape:

Decaf Coffee Questions Percolate
|| nilaga ni qroon, 11:34 AM || link || (0) ang nakihigop |

Wednesday, November 16, 2005

Nagbabagang Lupa

Pulutin mo ang punglo, may bahid pa ng dugo
Ipahid sa basang tela, ang sumabog nyang puso
Ala-ala ito, ng mga luha
Ala-ala ito, ng...

.. Nagbabagang Lupa.

Hacienda Luisita 2004
|| nilaga ni qroon, 9:57 AM || link || (0) ang nakihigop |

Tuesday, November 15, 2005

GNOMESword

Isang magandang application itong GnomeSword. Libreng Bible para sa lahat ng gumagamit ng GNOME.

|| nilaga ni qroon, 4:14 PM || link || (0) ang nakihigop |

Panis

Masyado akong naging abala ngayong mga nakaraang araw/linggo. Napanis na ang mga issue na gusto kong isulat o bigyan ng pansin, kagaya nito:

Youngblood : Enough of politics

Hindi ko alam kung magagalit ako o matatawa na lang. Ganoon na ba ang ugali ng karamihan sa mga kabataan? Tsk! Tumatanda na nga yata ako.
|| nilaga ni qroon, 4:02 PM || link || (0) ang nakihigop |

Thursday, November 03, 2005

BloGTK

Ayos na blogging tool itong BloGTK, maari kang magdagdag, magpalit at magbura ng posts kahit hindi mag-log-in sa website ng Blogger.

Kapihan BloGTK

|| nilaga ni qroon, 11:56 AM || link || (0) ang nakihigop |

Katiting

Eto na ang pangtapat sa Mac Mini:

Move over, Mac Mini — MiniPC runs Linux

At naghihintay naman ako na may gamitin ang MiniPC upang gayahin ito:

Unofficial iToilet mod
|| nilaga ni qroon, 11:06 AM || link || (0) ang nakihigop |