Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Friday, July 29, 2005

Filipinas Dentro De Cien Años

Wow! Español ang title! Napili ko lang yan dahil naalala ko ang pamagat ng sanaysay na sinulat ni G. José Rizal. Ano na nga ba ang nangyari at nagyayari sa ating bansa? Masalimuot at masyadong mahirap pagtagni-tagniin ang mga pangyayari. Ngunit sa kabila nito ay masaya ako dahil may mga taong nagsusuri sa mga pangyayari. Gaya ng isa kong kaibigan, nasabi nya sa akin kanina na...

.... Napaisip ako.. hindi kaya artificial country ang Philippines. Aritificial kasi it was created by the Spanish. Parang Yugoslavia... An artificial country composed of serbs, croats, and another country I forgot. What if weren't meant to be Filipino or Pinoys. What if etong regionalistic attitudes natin weren't meant for development into a nation?

Maganda at naghahamon na pananaw. Isa sa mga layunin ng La Liga Filipina ay mapag-isa ang kapuluang (Filipinas noon) nasasakupan ng España. Ngunit ito nga ba ay natupad? Bahagi lamang, dahil wala pa rin ang kaisipan at diwang nagbubuklod sa atin bilang mga Pilipino. Naitanong ng kaibigan ko na...

What if it wasn't meant to be united? What if the Tagalog Region was supposedly a country by itself, tapos ang Visayas and Mindanao another country or part of Indonesia?

Nasabi ko na maaring malunasan ito ng pagtatayo ng isang tunay na gobyernong federal. Ngunit kung tutuusin mong mabuti ay hindi rin ito ang magbibigay ng lunas. Dahil ang suliranin ay hindi ang uri ng pamahalaan na mayroon tayo. Manapa'y ang mga tao at namumuno sa mga ito.
|| nilaga ni qroon, 4:01 PM

0 Ang nakihigop:

Makihigop na!