Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Friday, February 09, 2007
Tanong
Nais kong sumulat, sumulat ng kwento.
Kwento ng buhay, kwento ng mga tao.
Ngunit paano?
Saan ako magsisimula?
Walang maisip na tagpo.
Nais kong sumulat, gumawa ng tula.
Yung malalim, yung may kwenta.
Nais kong humabi ng awit.
Madamdamin kahit may galit.
Oo, oo.
Lahat ng ito ay nais ko.
Nais kong umisip ng bago.
Hindi gasgas, hindi laspag.
Bago sa pandinig, bago sa panlasa.
Ngunit wala akong magawa.
Walang laman ang isip ko.
Saan nga ba?
Saan ko huhugutin, mga salitang gagamitin?
O lakambini ng sining nasaan ka?
Ikaw ba ay tumakas, kasama ng aking mga salita?
Nais ko ring gumuhit, lumikha ng larawan.
Malikhain, madamdamin.
Nais kong lumilok, buhayin ang kahoy.
Salitang di naisulat, sa mga kulay daanin.
Ah, alin ang aking uunahin?
Wala, walang masimulan.
|| nilaga ni qroon, 9:31 AM