Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Friday, February 23, 2007
Ituloy AngSulong
Yung nakatala sa baba (Taran at Tado) ay para dapat sa Ituloy AngSulong. Ngunit hindi na kami nagtala ng bago dahil mamayang gabi na ang Finals. Sana manalo kami. Sana ay may paligsahang SEO ulit. Ngunit manalo man o hindi, tuloy ang ligaya! Ituloy AngSulong!
Nais kong sumulat, sumulat ng kwento. Kwento ng buhay, kwento ng mga tao. Ngunit paano? Saan ako magsisimula? Walang maisip na tagpo.
Nais kong sumulat, gumawa ng tula. Yung malalim, yung may kwenta. Nais kong humabi ng awit. Madamdamin kahit may galit. Oo, oo. Lahat ng ito ay nais ko.
Nais kong umisip ng bago. Hindi gasgas, hindi laspag. Bago sa pandinig, bago sa panlasa. Ngunit wala akong magawa.
Walang laman ang isip ko. Saan nga ba? Saan ko huhugutin, mga salitang gagamitin?
O lakambini ng sining nasaan ka? Ikaw ba ay tumakas, kasama ng aking mga salita?
Nais ko ring gumuhit, lumikha ng larawan. Malikhain, madamdamin. Nais kong lumilok, buhayin ang kahoy. Salitang di naisulat, sa mga kulay daanin.
Ah, alin ang aking uunahin? Wala, walang masimulan.
Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Baybayin
Baybayin po ang tawag sa sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Filipino at hindi Alibata! Ang salitang Alibata ay binuo lamang noong mga unang taon ng 1900.