Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Saturday, September 26, 2009

Kainengan

Isang linyang banat ni Ineng.

Ineng: Oh my, oh my! Kambal sa umay!
Inay at Ako: Bwahahahahaha!

Labels:

|| nilaga ni qroon, 8:35 PM || link || (0) ang nakihigop |

Wednesday, September 23, 2009

Lima


Limang taon na pala itong Kapihan! Sa limang taon na dumaan ay ningas kugon pa rin ang pagtatala ko, he he he. May nagbabasa pa ba bukod sa misis ko? May mga napapadaan pa naman. Salamat sa mga nagbabasa pa!

Nanghihinayang akong ilipat ang mga nilalaman nito sa sarili kong domain. Una na ay mahihirapan akong angkatin ang mga laman nito. At pangalawa, palaging dahilan, katamaran!

Labels:

|| nilaga ni qroon, 3:17 PM || link || (0) ang nakihigop |

Palabas

Bihira na akong manood ng mga palabas sa lokal na telebisyon Bihira na akong manood ng telebisyon. Bakit? Una ay napakahuling ipalabas dito ang mga gusto ko (30 Rock, How I Met Your Mother, The Big Bang Theory, Heroes, etc.). Huli ng isang buong season! Ang mga balita ay hinahaluan ng kung anu-anong gimmick. Kaya mas gusto ko pang magbasa ng balita sa Internet.

Hinahanap-hanap ko ang dating estilo ng lokal na telebisyon. Sa ala-sais ng gabi ang balita, may sitcom araw-araw at isa o dalawa lang ang soap opera. At mga alas-dyes naman ang sunod na balita. Bakit di na lang ako manood ng ibang himpalan sa cable? Nakatatamad nga dahil kalimitan ay re-run ang mga palabas.

Ayaw ko ng magkomento tungkol sa kalidad ng mga lokal na palabas. Marami lang ang magagalit. Sugudin pa ako dito ng mga ka(ipasok dito kung alin ang kinaaniban o sinasambang network). Oo nga pala, yung mga Live daw na palabas ay hindi naman Live! Napakahuli, mabuti pa ang streaming sa Internet! Mayroon pa naman paboritong panuorin, ang mga patalastas na maganda ang pagkakagawa!

Mabuti na lang at may ibang pwedeng pagkaabalahan gaya ng pagbabasa ng mga aklat at komiks. Maari ring makinig at tumugtog ng musika. Maglaro ng darts at iba pa.

* * * * *

To Star World, JackTV and others, please show the latest season! We can tolerate a day to a week delay. But a whole season late? Unacceptable!

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 2:43 PM || link || (0) ang nakihigop |

Sunday, September 20, 2009

Poste: Ikatlong Guhit

May bagong sombrero si Boy Dapa at ang kasama naman ay si Boy Panganay.

Labels:

|| nilaga ni qroon, 11:50 PM || link || (0) ang nakihigop |

Tuesday, September 08, 2009

Usapang Bola (Ikalawang Guhit)

May komento ang mga kaibigan ko na dapat ay iba ng konti ang buhok ni Monyo (yung mataas ang buhok). Kaya may ilang pagbabago sa aking guhit ngayon. Ganun na rin kay Tanders (yung malapad ang noo), ginawa ko talagang semi-kalbo. Alam nyo na siguro kung sino yung may sumbrero.

Paunawa: Ang mga salitaan sa munting komiks na ito ay hindi naangkop sa mga bata. Patnubay ng mga nakatatanda ay kinakailangan.

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 9:21 PM || link || (2) ang nakihigop |

Usapang Utot

Komiks #1

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 5:23 PM || link || (0) ang nakihigop |