Nung isang gabi ay nakinig ako ng isang album ng Siakol, yung Tayo na sa Paraiso. Nakatutuwang balikan ang mga kantang may tema ng inuman, tambayan at kalokohan. Mababaw siguro sa pandinig/paningin ng iba, ngunit dito mo masasalamin ang mga pinagdadaanan ng masa. Swak sa panlasa ng mga karaniwang Pinoy. Mga kwento ng buhay, pangarap at pananaw sa mga nangyayari sa lipunan. Simpleng mga tema pero may laman. Makulit, maangas, masaya at minsan ay bastos, he he he.
Nagtataka ang iba kong kaibigan kung bakit wala akong posts na may kinalaman sa pasko at bagong taon. Bawal daw ba sa religion ko? Hindi naman, marami lang pinagkaabalahan noong nakaraang holidays. Wala rin akong internet connection maliban sa GPRS ng SMART (na napakamahal ng rates!).
At cellphone na rin lang napaguusapan, natutuwa ako sa diksyunaryong pilipino na naka-install sa mga Nokia unit. Madaling gamitin sa paggawa ng maiikling mensahe, lalo na at sanay akong mag-text na hindi pinaiikli ang mga salita.
Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Baybayin
Baybayin po ang tawag sa sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Filipino at hindi Alibata! Ang salitang Alibata ay binuo lamang noong mga unang taon ng 1900.