Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Tuesday, May 10, 2005

Azucena

Napapansin ko na paingay ng paingay ang animal rights activists. Parang napakasamang tao ng mga nagluluto at kumakain ng karne ng aso. Hindi man ako kumakain ng aso ay iginagalang ko ang nakaugalian ng ibang kumakain ng aso kagaya ng mga kababayan natin sa Hilagang Luzon. Ayos din lang na ulamin ang aso lalo pa ngayong ang hirap ng buhay. Minsan ay hindi ko na maintindihan ang gusto ng ilang activists daw. Sana eh unahin munang maiparating sa lahat ang kalagayan ng mga naghihirap kaysa sa kalagayan mga hayop na kagaya ng aso. Milyong baka ang kinakatay araw-araw para sa maging burger patties, steak, tapa, leather goods, at kung anu-ano pa. Ganun ba kaingay ang mga animal rights activists sa usaping ito? Marami pang maaring pagusapan tungkol sa Animal Welfare at Animal Rights, pero saka na.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maisip na kasma ang mga nagbebenta ng pet products/goods sa may pakana ng ingay para sa mga hayop. Para nga naman mabenta ang kanilang produkto.
|| nilaga ni qroon, 3:23 PM || link || (2) ang nakihigop |

Monday, May 09, 2005

Walang Kwento

Walang Kwenta. Wala akong maisip na ilagay sa aking weblog sa mga nakaraang linggo. Sa madaling salita ay tinatamad. Ano nga bang mga maaaring pagusapan? Pulitika? Masyadong nakasasawa na. Umento sa sahod? Nakadidismaya lang. Presyo ng bilihin? Umiinit ang ulo ko. Jueteng? Ano nga bang tumama? Haaayyy.... Ang init ngayon ng panahon, may mga gabing umaabot sa 35 degrees.
|| nilaga ni qroon, 4:36 PM || link || (1) ang nakihigop |