Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Tuesday, April 19, 2005

Byahe

Anim na buwan na rin akong mahigit sa kasalukuyan kong trabaho. Sa panahong ito ay nakadalawang tigil pasada na ang mga operator at mga driver ng mga jeepney. Malamang sa hindi, na napakalaki na rin ng ibinaba ng kalidad ng pamumuhay nating mga Pilipino. Balak bigyan ng gobyerno ng pampalubag loob ang mga tsuper at operators sa pamamagitan ng pagtataas ng pamasahe. Ngunit paano naman kaming mga manggagawa? Itataas din ba ang sweldo?

Hay nakupo! Mahaba na namang litanya ng tungkol sa magiging epekto ng pagtataas ng presyo ng langis at pamasahe. Sa huli ay maiisip mo na ang isa sa mga dahilan ng paghihirap natin ay ang Oil Deregulation Law. Masalimuot nga ang usaping ito. Sana ay maulit pa ang tigil pasada.

Bakit? Marami na akong kasabay sa paglalakad tuwing umaga.
|| nilaga ni qroon, 5:06 PM || link || (0) ang nakihigop |